Close

P90-million federalism info drive, paiimbestigahan ni Sen. Poe

Sponsor ads


Naghain ng resolusyon si Senator Grace Poe upang magpatawag ng imbestigasyon kaugnay sa P90-million na pondo ng gobyerno para sa information campaign ng pederalismo.

Sa ilalim ng inihain na Senate Resolution 821 ni Poe, chairwoman ng Senate committee on public information and maas media, ay layon nito na magkaroon ng accountability at transparency at full disclosure sa lahat ng transaksyon na may kinalaman ang public interest.

Dahil dito ay hinihingi ng Senadora ang "transparency guide" sa information campaign ng Consultative Committee at ng Presidential Communications Operations Office.

Ipinunto din ni Poe sa kanyang resolusyon ang partisipasyon ni Uson sa information drive dahil sa ginawa nitong video kasama ang blogger na si Andrew Olivar kung saan ay nabuo ang kontrobersyal na pederalismo jingle.

Ayon kay Poe, dahil sa video ay umalingasaw ang impropriety sa Con-com na hindi nakatulong upang mapabuti ang public discourse.

Giit ng Senadora, ang video na nagpapakita ng toilet humor sa isang seryosong isyu ay hindi nakabuti para maayos na maipaliwanag ang pederalismo sa mga tao lalo na at 37% lang ng mga Pilipino ang sumusuporta sa pagpapalit ng porma ng gobyerno sa federal form.

Mababatid na nilinaw ni PCOO Sec. Martin Andanar na P10-million lamang ang inilaan ng ahensya sa information campaign ng pederalismo pero plano niya pa humiling na madagdagan ito.