Close

P9-B dagdag na financial assistance, hindi kinonsulta

Sponsor ads


Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na wala man lang ginawang konsultasyon ang Kamara sa Department of Budget and Management para sa dagdag na P9 bilyong pondo na laan para sa iba't ibang financial assitance sa local government units o LGUs.

Batay ito sa nangyaring budget deliberation sa plenaryo ng Senado hinggil sa national budget para sa susunod na taon.

Sa ipinakitang power point presentation ng General Appropriation Bills, National Expenditure Program at Senate committee report, makikitang nasa P7 bilyon lang ang NEP ng DBM.

Umabot na ito sa P16,080,098,000 matapos dagdagan ng House of Representatives ng P9 bilyon.

Ayon kay Lacson, mismong si DBM Sec. Benjamin Diokno ang umaming walang konsultasyong ginawa ng House bagay na hindi naman itinanggi ng kalihim.