Close

P82.5-billion, ilalaan ng bansa sa vaccine procurement - PRRD

Sponsor ads


Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa P82.5-billion ang inilaang pondo ng Pilipinas para sa procurement ng COVID-19 vaccines.

Pero sinabi ng Pangulo na naunahan na ng mayayaman na bansa ang iba sa pagbili ng mga bakuna.

Ayon sa Punong Ehekutibo, ang mga binili at na-secure na bakuna ng Pilipinas ay nasa ilalim pa ng production.

Kaugnay nito ay sinabi ng Pangulo na handa siyang managot sa anuman maaring mangyari sakaling mabulilyaso ang napiling bakuna ng gobyerno.

Una nang inihayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., na inaasahan nito na maaprubahan ang paggamit ng Sinovac vaccine sa Pilipinas sa susunod na buwan.