Close

P74.55-M na halaga ng akrikultura sa CALABARZON, napinsala sa ashfall - DA

Sponsor ads


Naitala ang P74.55-million na halaga ng pinsala sa agrikultura sa CALABARZON dahil sa ashfall na idinulot ng Bulkang Taal.

Ayon sa Department of Agricuture, aabot sa 752 na ektarya ng pananim at livestock ang naapektuhan.

Sinabi naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na inaasahan rin nito na mapipinsala ang 6,000 fish cages dahil sa mataas na content ng asupre mula sa pagsabog ng Taal.

Tiniyak naman ng National Food Authority na sapat ang stocks nito ng bigas sa mga lugar na naapektuhan ng steam at ash eruption ng Bulkang Taal.

Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, magiging bukas 24 oras ang operation centers ng ahensya para pagsilbihan ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno.

Mababatid na meron 1.93-million na sako ng bigas sa Region 4 o sa Southern Tagalog, meron naman 197,000 na sako ng bigas sa National Capital Region, habang 1.96-milion na sako ang meron sa Region 3 o Central Luzon.