Close

P6.8B halaga ng shabu, narekober sa Cavite

Sponsor ads


Nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang nasa P6.8 billion na halaga ng shabu sa General Mariano Alvarez (GMA) mula sa apat na magnetic lifters na una nang may lamang ilegal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang naturang magnetic lifters na nakita sa warehouse sa GMA Cavite ay kapareho sa kanilang nakuha sa Manila International Container Terminal (MICT) na naglalaman naman ng 500 kilo ng shabu.

Batay sa impormasyon ng PDEA, ang magnetic lifters ay galing pa umano ng Taiwan, Republic of China, at ginamit lang umano ng mga sindikato ang Malaysia bilang trans-shipping point.

Sinasabing handa na umanong ibenta sa mga lansangan ang naturang toneladang kontrabando.

Samantala, tumanggi naman si Aquino na pangalanan ang lahat ng persons of interest, ngunit may tinukoy itong certain Chao Yue Wah na umano'y nagsisilbing liaison officer para sa Golden Triangle international drug syndicate at gamit ang mga aliases na KC Chan, Tony Chan, at Albert Chan.