Close

P500K reward, para sa ikaaresto ni Peter Lim

Sponsor ads


Nag-alok ang gobyerno ng P500,000 na reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magbibigay daan sa pag-aresto kay Cebu-based businessman Peter Lim.

Si Lim, ay kasalukuyang subject sa warrant of arrest na inilabas ng Makati City Regional Trial Court kung saan nahaharap ito sa criminal case dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na nananatili sa bansa sa Lim batay sa immigration records.

Noong August 28 ay itinakda sana ng korte para sa pagbasa ng sakdal laban sa negosyante ngunit hindi pa ito naaresto kaya muling ipinagpaliban ng korte ang arraignment.

Ang kaso laban kay Lim ay nag-ugat mula sa reklamong inihain ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kung saan kinilala ito bilang source ng ‘shabu’ na ibenenta ng ‘Espinosa group’ sa Regions 7 at 8 noong 2013 at 2014.