Close

P4.1-T budget, target ng DBM sa 2020

Sponsor ads


Nanawagan na ang Department of Budget and Management sa mga ahensya ng gobyerno na ngayon pa lang ay tukuyin na ang mga priority programs at proyektong popondohan sa taong 2020.

Ito'y kahit hindi pa matiyak ang kapalaran ng 2019 General Appropriations Bill na nananatiling nakabinbin sa Office of the President dahil sa isyu ng insertions.

Batay sa inilabas na National Budget Memorandum Number 132 ni Acting Budget Secretary Janet Abuel, target ng ahensya ang 4.1 trillion pesos na cash-based appropriations sa susunod na taon.

Ang ceiling nito ay mas mataas nang 9.1 percent kaysa 3.757 trillion pesos na budget ngayong taon.

Katumbas ng 2020 budget ang 19.4 percent ng gross domestic product na inaasahang aabot sa 21.2 trillion pesos.

Samantala, iginiit naman ni Abuel na sa kabila ng pagtutol sa cash-based budgeting ay itutuloy pa rin ito sa susunod na taon kung saan lilimitahan nito ang obligasyon ng mga ahensya at ang disbursement ng payments para sa produkto at serbisyo sa loob ng isang fiscal year.