Close

P3.7-T 2018 national budget, aprub sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang P3.7-Trillion 2018 national budget.

Ang General Appropriations Bil (GAB) ay ita-transmit sa Senado, at kasunod nito ay magco-convene naman ang bicameral conference committee para talakayin ang pagkakaiba sa kani-kanilang bersyon.

Ayon kay House Appropriations Committee chair Congresman Karlos Nograles, kumpyansa naman siya na makakalusot ito sa ikatlo at huling pagbasa sa September 21.

Ikinatuwa naman ang Department of Budget and Management sa pagpasa ng 2018 budget sa Kamara.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ang spending program ay makatutulong sa mga objective ng gobyerno na makamit ang matatag at inclusive na Gross Domestic Product (GDP) mula sa 7 hanggang 8 % sa susunod na taon. |Jasmine Cruz