Close

P236.5M halaga ng equipment, natanggap ng PNP mula Japan

Sponsor ads


Nakatanggap ang Philippine National Police ng P236.5 milyong halaga ng equipment mula sa pamahalaan ng Japan.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, layon nitong mapaigting ang pwersa at kapasidad ng pulis sa pagtugis sa mga terorista.

Personal na iniabot ni Japanese Ambasador Koji Haneda ang anim na unit ng bomb suit, anim na unit ng ballistic shield at 440 units ng ballistic helmet.

Ang mga ito ay mapupunta sa Explosive Ordinance Detection Units.

Naniniwala si Albayalde na makakatulong ito sa pagpapaigting ng kaligtasan at proteksyon ng bomb technicians sa oras ng emergency operations na kinasasangkutan ng mga pampasabog.