Close

P20 wage hike para sa C. Visayas, aprubado na

Sponsor ads


Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-7 (RTWPB) ang wage hikes para sa Central Visayas.

Kabilang mga makakakuha ng 20-peso increase sa kanilang daily wage ay ang mga manggagawa sa Class A cities at towns gaya ng Cebu City at mga kalapit na lungsod at bayan sa Danao City hanggang Carcar City.

Para naman sa mga Class B, C, at D areas gaya ng Negros Oriental, Siquijor, at iba pang bahagi ng Cebu Province, at Bohol ay makakakuha naman ng P15 increase mula sa kanilang daily pay.

Inaprubahan ng RTWPB ang wage hike kasunod ng petitsyon mula sa Cebu Labor Coalition, na humihiling ng P155 increase, at Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), na humihirit naman ng P120 increase.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Marites Mercado, head ng DOLE sa naturang probinsya na ang inaprubahang hike ay mas mababa sa halaga na hinihiling ng naturang grupo dahil sa ilang factors na dapat isaalang-alang gaya ng economic conditions sa bawat probinsya at epekto ng wage hike sa mga private companies atemployers.

Binigynag diin naman ni Mercado na mula sa P323 a day, makakatanggap na ang mga manggagawa mula sa Negros Oriental ng P338 bawat araw.