Close

P14 pamasahe papunta sa bagong terminal ng Koronadal

Sponsor ads


KORONADAL CITY - PINAALALAHANAN ang lahat ng mga tricycle drivers na P14.00 ang pamasahe papuntang Koronadal City Integrated Public Transport Terminal Complex.

Sa interview ng Brigada News FM Koronadal kay Koronadal Traffic Supervisor Ed Tabago na walang pagbabago sa pamasahe kung saan nanatili pa rin na P10 ang minimum fare na nakapaloob sa P10-fare zone batay sa 2014 Tricycle Fare Ordinance ng lungsod.

Habang may dagdag naman na P2.00 kada kilometer distance mula sa loob ng P10-fare zone.

Ayon kay Tabago na mula sa downtown areas at lugar ng P10-fare zone area, may layong 2 kilometero papuntang terminal kung saan kailangan na magdagdag ng P4.00 na pamasahe ang mga papunta dito.

Hinikayat naman nito ang mga commuters na ireport ang mga driver na abusado o overcharging sa pamasahe.

Sa oras na malaman na overcharging ang driver, nasa P1,000 ang penalty para sa first offence.

Dagdag pa nito, na may nakabantay na mga traffic enforcers at checker sa bagong terminal upang siguraduhin na tama ang pasahe na sinisingil sa mga pasahero.

May mga tarpaulin na ikakabit sa mga establishment upang malaman ng publiko ang tamang pasahe papuntang terminal. (Tiffany Jill Trinidad)