Close

P12M, narekober mula sa vote buying and selling incidents

Sponsor ads


Aabot sa P12 milyon halaga ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa vote-buying and selling incidents sa kasagsagan ng midterm elections.

Batay sa datos ng Philippine National Police, ito ay may kabuuang halaga na P12,208,958 mula sa buong bansa.

Naitala ang pinaka-mataas na bilang ng insidente ng vote-buying and selling sa rehiyon ng Caraga kung saan P7,976,100 ang narekober.

Nakapagtala naman ng siyam na insidente ng vote buying at selling sa Northern Mindanao na may halagang P1,125,718.

Mayroon namang 17 insidente sa Ilocos Region, kung saan narekober ang P561,000.

Samantala sa Metro Manila, naaresto ang 136 na suspek na sangkot rin sa gawain.