Close

P10k multa sa lalabag sa motorcycle back riding, simula ngayong araw

Sponsor ads


Simula ngayong araw, August 1, mumultahan na ng P10,000 ang mga lalabag sa polisiya ng gobyerno para sa motorcycle back riding.

Mababatid na pinayagan na ng gobyerno ang back riding para sa mga mag-asawa at cohabiting couples at binigyan ang mga ito ng three-week grace period para magkabit ng kinakailangang barriers.

Ayon kay Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar, Commander of Joint Task Force COVID Shield, ang mga motorista na bigong magsusuot ng face masks at helmets o maglagay ng aprubadong protective shield ay mumultahan ng ?1,500 hanggang ?2,000 para sa first offense, ?3,000 para sa second offense, at ?5,000 hanggang ?10,000 para sa susunod na mga offenses.

Ang mga mahuhuli naman na may angkas na hindi nila asawa o live-in partners ay magmumulta ng ?1,000.

Samantala, ang mga drivers naman na hindi ikinokonsiderang authorized persons outside residence ay magmumulta ng ?3,000 kaparehong halaga para sa driving without a license.