Close

P10B rehab fund para sa Marawi, posibleng madagdagan pa

Posible pang madagdagan ang P10 bilyong rehabilitation fund para sa Marawi City.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ang naturang halaga ay hindi pa ang pinal na halagang dapat na ilaan para sa pagbangon ng lunsod.

Paglilinaw naman ni NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad, ang P10-bilyon ay ang provisional cost allotment na maaari aniyang sumapat na para sa gastusin ng rehabilitasyon ng Marawi.

Inihayag ni Jalad na ang eksaktong halaga na kakailanganin ay malalaman lamang sa sandaling matapos na ang bakbakan at umusad na ang kanilang assessment na posibleng tumagal naman ng dalawang lingo.

Kasunod nito ay tiniyak ng NDRRMC na kanilang uumpisahan agad ang pagbuo sa rehab plan sa oras na matanggap na nila ang go-signal mula sa mga awtoridad na handa nang i-clear ang buong Marawi City.