Close

P10B budget para sa procurement ng palay, isinusulong

Sponsor ads


Isinusulong ng mga miyembro ng Makabayan Bloc ang pagkakaroon ng sampung bilyong pisong supplemental budget para sa procurement ng palay mula sa local farmers.

Batay sa House Resolution Number 28, aatasan ang National Food Authority na gamitin ang naturang pondo para sa pagbili ng 500,000 metric tons ng palay mula September 2018 hanggang January 2019 sa halagang 20 pesos kada kilo.

Layon nitong masolusyunan ang krisis sa bigas na direktang nakakaapekto sa mga mahihirap.

Iginiit ng mga kongresista na simula noong Enero nang ipatupad ang TRAIN Law ay walang humpay na ang pagtaas ng presyo ng commercial rice hanggang sa umabot ito sa 50 pesos kada kilo noong Hulyo.

Sinubukan na rin anila ng NFA na mag-angkat ng 500,000 metric tons ng bigas mula Vietnam at Thailand ngunit wala namang naging epekto para mapababa ang presyo dahil kinontrol ang distribusyon nito sa mga lugar na may rice shortage.

Dagdag pa ng Makabayan Bloc, kailangan nang tulungan ng Kongreso ang gobyerno mula sa pagkakaparalisa lalo't nalalapit na ang harvest season at ito ang tamang panahon para sa procurement ng palay na siyang pupuno sa kakulangan sa bigas.