Close

P102-B NAIA project, aarangkada na

Sponsor ads


Iginawad na ng gobyerno sa pitong conglomerate companies sa bansa ang proyektong nagkakahalaga ng P102 billion para sa upgrade ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para maging isang 'world-class regional hub'.

Ayon kay NAIA consortium Spokesperson Jimbo Reverente ay posibleng masimulan na agad ang nasabing proyekto sa darating na Hulyo ng susunod na taon.

Nakuha ng NAIA superconsortium na kinabibilangan ng pitong conglomerate companies sa bansa ang proyekto na bahagi ng 'short-to-medium' solution ng gobyerno.

Layunin ng proyekto na maitaas ang lebel ng NAIA para ito ay mapabilang sa mga itinuturing na major regional airports sa Asya.