Close

P1.5-B pondo, nailabas na para sa mga nasalanta ng bagyo- DILG

Sponsor ads


Nakapaglabas na ng nasa P1.5 bilyong halaga ng pondo ang gobyerno para sa mga lugar na kamakailang nasalanta ng bagyo ayon yan sa Department of Local and Interior Government (DILG).

Kinumpirma ni DILG Usec. Jonathan Malaya na dahil sa pagkakadeklara ng state of calamity sa buong Luzon ay nailabas na ang tinatawag na Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation (NCA) para sa mga LGU na lubhang tinamaan ng magkakasunod na bagyo at pagbaha.

Kaugnay nito, kinuha ang naturang pondo mula sa 16-bilyong budget na inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa pagtugon sa sakuna o kalamidad sa bansa.

Samantala, kinumpirma din ni Malaya na maaaring kumuha o magrequest ng pondo ang iba pang LGU na naapektuhan ng bagyo sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). // CLAY MARQUEZ