Close

P1-milyong pabuya, inalok ni Mayor Isko vs bank robbers

Sponsor ads


Binalaan ni Mayor Isko Moreno ang mga suspek sa nanloob sa sangay ng Metro Bank sa Binondo na huwag bumalik sa lungsod ng Maynila dahil tiyak na sila ay kanilang tutugisin.

Sinabi ito ni Moreno kasunod ng kanyang alok na P1-milyong na pabuya para sa kahit sino na makakapagbigay ng impormasyon kaugnay sa 7 suspek na nanloob sa nasbaing bangko.

Giit ng alkalde, hindi siya papayag na manggulo at mamerwisyo muli ang mga suspek sa lungsod.

Kung maalala, 8:40 ng umaga ng Martes ay magkakasunod na pumasok ang 7 suspek sa bangko na noo'y kakabukas lamang.

Doon ay nag-deklara ng hold-up ang mga suspek, at saka pinapasok ang mga empleyado sa isang kwarto.

Hindi pa sinasabi ng bangko kung magkano ang natangay mula sa kanilang branch ngunit tiniyak nito sa mga kliyente ng Metro Bank na wala sa kanilang mga accounts ang naapektuhan ng insidente.