Close

P1-B lugi ng gov't sa BCDA-Malaysian firm deal sa paggawa ng 2019 SEA Games facility

Sponsor ads


Hindi naging pabor sa pamahalaan ang ginawang P12-billion deal ng Bases Conversion Development Authority para sa konstruksiyon ng National Government Administrative Center na ginamit bilang venue noong 2019 Southeast Asian Games sa New Clark City.

Ito ang lumabas sa ginawang pagsisiyasat ng Commission on Audit.

Sa report ng COA, kina-ilangan umanong gumastos ng karagdagang P1-billion pesos ang gobyerno makipagkasundo ang BCDA sa Malaysian firm MTD Capital Berhad para sa isang joint venture deal.

Paliwanag ng COa kung hindi in-incorporate ng BCDA ang construction ng mga sports facilities sa NGAC joint venture project at mahigpit na sinunod ang ang requirements of RA 6957 ay hindi na sana gagastos ang gobyerno ng karagdagang isang bilyong piso.

Sa ilalim ng revised P12-billion joint venture deal, ang BCDA ay magbabayad saMTD Berhad ng P9.539 billion sa halip na P8.5 billion para sa construction ng sports facilities na ginamit noong 2019 SEA Games.