Close

P0.3136/kWh dagdag singil sa Meralco, ikakasa ngayong July

Sponsor ads


Magtataas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan sa P0.3136 per kilowatt hour dahil sa mataas na generation charge.

Ibig sabihin, magbabayad ng mahigit P63 para sa kanilang monthly bill ang typical household na komukonsumo ng 200 kWh.

Dahil dito, ang adjustment ay magdadala ng overall rate na P10.19 per kWh mula sa P9.87 per kWh noong Hunyo.