Close

Ozone layer, on the road to recovery na - UN report

Sponsor ads


Inihayag sa report ng United Nations (UN) na unti-unti na umanong "gumagaling" ang butas ng ozone layer ng Earth - ang layer sa atmosphere na nagproprotekta sa buhay mula sa harmful ultraviolet radiation.

Batay sa climate change experts, inaasahan na umanong magsasara ang butas ng Antarctic ozone at babalik na ag column ozone values sa 80s levels pagdating sa 2060.

Maliban dito, babalik na rin ang ozone levels sa Northern Hemisphere sa 80s values sa 2030, habang sa Southern Hemispheres, magnonormalize na rin ang ozone levels pagdating ng 2050.

Matatandaan na ang ozone holes ay unang nadiskubre sa 80s, at itinuturo ng mga scientists ang chlorofluorocarbons (CFCs) bilang main culprit. Noong 1987, inadopt ng UN Environment Programme ang Montreal Protocol na nagba-ban sa paggamit ng ozone-depleting substances tulad ng CFCs.

Ang CFCs ay makikita sa cooling at refrigeration systems, aerosols na siyang sumisira sa ozone sa atmosphere, dahilan para makapasok ang UV radiation