Close

Overseas absentee voting, mapayapa - Comelec

Sponsor ads


Walang naging problema ang Commission on Elections simula nang mag-umpisa ang Overseas absentee voting.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, naging mapayapa at maayos naman ang mga unang araw ng botohan na umarangkada noong April 13, 2019.

Bagamat may mangilan-ngilang maliliit na aberya at agad naman itong naisaayos.

Isa sa naging problema ay ang identification process sa Al Khobar, Saudi Arabia.

Naantala sa Customs ang hard copy ng Election Day Computerized Voters Lists na gagamitin sa naturang lugar kaya agad na nagpadala ang Comelec ng downloadable files nito.

Samantala, naghahanap na rin ng paraan ang poll body para makaboto ang mga Pinoy na nasa lugar kung saan sinuspinde ang botohan.

Kabilang na rito ang Tripoli, Libya, Baghdad, Iraq at Damascus, Syria.