Close

Otso Diretso, naniniwalang magiging referendum ang 2019 elections

Sponsor ads


Naniniwala ang mga miyembro ng opposition senatorial slate na Otso Diretso na magiging referendum para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang darating na May 13 elections.

Sa pag-arangkada ng kanilang pangangampanya kahapon, nagtungo sina reelectionist Senator Bam Aquino, dating Solicitor General Florin Hilbay, dating Quezon Rep. Erin Tañada, election lawyer Romulo Macalintal, Magdalo Rep. Gary Alejano, human rights lawyer Chel Diokno, at civil society leader Samira Gutoc sa Caloocan City, para magdoor-to door campaign.

Ayon kay Quezon Rep. Erin Tañada, ngayong halalan malalaman kung gusto ng taong bayan ang pamamalakad ng administrasyon o hindi.

Sinabi naman ni Gutoc na kailangang tutulan ang lahat ng polisiya ng gobyerno na hindi nakakabenepisyo sa mga Pilipino.

Kaugnay nito, sinabi ni Diokno na symbolic ang paglulunsad nila ng kampanya sa Caloocan dahil doon umano maraming naging biktima ng extrajudicial killings.

Samantala, sa Capiz, Roxas City naman isinagawa ni Mar Roxas ang sarili nitong pangangampanya kahapon.