Close

Otso Diretso, nangampanya sa Caloocan City

Sponsor ads


Nagtungo ang opposition party na Otso Diretso sa Caloocan City upang mangampanya sa unang araw ng campaign period para sa 2019 midterm elections.

Ang isa pang miyembro ng grupo na si dating presidential candidate Mar Roxas naman ay nagdesisyon na solong mangampanya sa kanyang hometown sa Capiz.

Pinangunahan naman ng miyembro ng grupo na si civil society leader Samira Gutoc ang isang prayer rally sa lungsod na sinalihan ng Muslim community.

Ipinagdasal ni Gutoc, na dating miyembro ng Bangsamoro Transition Committee, ang pagganda ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang kapayapaan sa Mindanao.

Mababatid na kabilang sa line-up ng Otso Diretso sina Roxas, Gutoc, Senator Bam Aquino, dating Solicitor General Florin Hilbay, election lawyer Romulo Macalintal, Magdalo partylist Rep. Gary Alejano, dating Quezon Rep. Erin Tañada, at human rights lawyer Chel Diokno.