Close

Otopsiya sa bangkay ng babaeng natagpuan sa septic tank, inilabas na

Sponsor ads


Inilabas na ang otopsiya na ginawa sa dalagita na natagpuang patay sa loob ng isang septic tank sa Danao, Cebu.

Lumalabas na nagtamo ng 34 na saksak sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang 14-anyos na biktima na si Yesa Maria Ygay.

Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Benjamin Lara, iba-iba ang sukat ng saksak sa katawan ng biktima habang ang pinakamaraming stab wounds ay makikita sa leeg nito.

Kinumpirma naman ng PNP Crime Laboratory-7 na hindi buntis ang biktima matapos kumalat ang ilang ulat na siya ay nagdadalang-tao.

Kung maalala ay dalawang araw nawala si Ygay bago natagpuan ang kanyang bangkay sa spetic tank ng kanyang paaralan na Cogon Cruz Integrated School.

Mababatid na meron kutsilyo at tubo na meron marka ng dugo ang natagpuan malapit sa pozo negro.

Nanatili naman at-large ang suspek sa krimen na si Jessie Montes Mediquillo, 34-anyos, at security guard sa nasabing paaralan.