Close

Oscar-winning director Milos Forman, pumanaw na; 86

Sponsor ads


Pumanaw na ang Czech Oscar-winning director na si Milos Forman sa edad na 86.

Ayon sa asawa ng world-reknown director, Biyernes ng gabi pumanaw si Forman sa Estados Unidos dahil sa sakit.

Payapa umanong sumakabilang buhay ang tanyag na direktor habang kasama ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Nakilala si Forman sa kanyang mga pekilulang "One Flew Over the Cuckoo's Nest" na tungkol sa isang psychiatric institution at "Amadeus" kung saan tinalakay ang buhay ng 18th century composer na si Wolfgang Amadeus na umani ng 13 Oscars kabilang ang best director.

Ilan pa sa mga sikat na pelikula ni Forman ang rock musical na "Hair" na inilabas noong 1979, "Ragtime" (1981) at "The People vc Larry Flint" (1996) na na-nominate para sa Academy Award.

Abot-abot naman ang pakikiramay ng mga kaibigan ng direktor sa industriya kabilang ang leading Czech film director na si Jan Hrebejk.

Ayon kay Hrebejk, isang gifted storyteller si Forman at isang mabuting tao.