Close

Operasyon sa NAIA, balik normal

Sponsor ads


Nagsimula nang bumalik sa normal ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos na kanselahin ang mga flights dahil sa ashfall dulot ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, unti-unti nang bumabalik at dumarating ang mga regular flights ng mga airlines kabilang ang mga recovery flights ng mga ito.

Para naman ma-accommodate ang mas maraming flights, sinabi ni Monreal na mag-ooperate sila ng 24 oras.

Paliwanag ng opisyal, kahapon ay partial operations lamang ang ibinalik dahil di kaya ang kapasidad ng runway.

Kaugnay nito, tinatayang nasa 80,000 mga pasahero ang naitalang apektado ng mga kanseladong flights dahil sa ashfall.

Sinabi ng MIAA na mahigit 500 flights ang kinansela as of kahapon, araw ng Lunes. // VG