Close

Operasyon sa HK airport, bumabalik na sa normal

Sponsor ads


Unti-unti nang bumabalik sa normal ang operasyon sa Hong Kong International Airport.

Ito ay matapos maparalisa ang mga byahe kasunod ng pagpasok ng mga ralyista sa paliparan.

Nalinis na ang mga basura na naiwan ng mga nag-protesta.

Nagbukas na rin ang ilang mga bilihan na nagsara dahil sa rally.

May iilan pang ralyista na naiwan sa loob pero nakakagalaw naman ng maayos ang mga dumarating na pasahero.