Close

Operasyon ng COVID-19 molecular lab sa Aklan pansamantalang i-hihinto

Sponsor ads


KALIBO, AKLAN---Pansamantala munang i-hihinto ang operasyon ng molecular laboratory sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH).

Ito ay matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang ilang mga personnel nito.

Kaugnay nito, ang mga swab specimens na makokolekta ng Aklan Provincial Health Office ay ipapadala sa Western Visayas Medical Center (WVMC), Department of Pathology, sub-national laboratory sa Iloilo City para doon i-test.

Nabatid na noong nakaraang linggo, ang DRSTMH molecular laboratory ay nakuha ang lisensya sa DOH para magsagawa ng COVID-19 testing subalit ang Aklan Provincial Government ay nagdesisyon na ipagpaliban ang inauguration ng unang molecular laboratory kasunod ng reported case ng local transmission sa probinsya.