Close

Online food delivery service, mas pinalawak sa iba't-ibang probinsiya

Sponsor ads


Mas pinalawak pa ng online food delivery service na foodpanda ang kanilang serbisyo matapos ianunsiyo ang expansion nito sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas.

Kabilang sa mga lugar na magiging available ang delivery service ay sa Malolos, Dasmariñas, Iligan, Legazpi, Cabanatuan, Dagupan, Olongapo, Novaliches at Batangas.

Ang naturang expansion ay bahagi ng commitment ng foodpanda sa mga Pinoy na magbigay ng hindi matatawarang delivery service.

Patuloy umanong ibibigay ng foodpanda ang '3 Cs' sa kanilang serbisyo para sa mga customer.

Ito ay 'Choices', 'Convenience', at 'Customer Perks & Rewards'.

Kaya naman mas pinadali na ang pag-order ng pagkain at groceries para sa mas maraming Pinoy na busy sa kanilang bahay o kaya'y gusto lamang mag-enjoy kasama ang pamilya.