Close

Ompong, hihina pagkatapos maglandfall pero 'destructive' parin

Sponsor ads


Nagbabala ang Pagasa ng malaking pinsala ng Bagyong Ompong sa kabila na hihina ito pagkatapos maglandfall sa Northern Luzon.

Ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief Rene Paciente, kahit pa sabihin umanong bumaba sa 195 o 190kph ay maikokonsiderang malakas pa rin ito at mananatiling Signal No. 4 pa rin.

Ngayong gabi nang itaas sa Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 4 ang mga lugar ng Cagayan at northern Isabela kung saan ilan sa mga lugar sa Northern Luzon ay nakatikim na sa bagsik ng malakas na ulan at hangin dulot ng Bagyong Ompong.

Binalaan rin ng PAGASA ang publiko ng taas na six-meter storm surge na tatama sa vulnerable areas ng Cagayan at Isabela.