Close

Old Air Route ng PH-Indonesia, planong buhayin

Sponsor ads


Inaabangan na ang nakatakdang pagpupulong ngayong hapon sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian Pres. Joko Widodo bilang sidelines nang ASEAN leaders gathering sa Bali, Indonesia.

Ayon kay Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Tan Wee, posibleng matalakay ng dalawang lider ang mga usapin na may kaugnayan sa mutual interest na kinabibilangan ng trade and investment, paglaban sa terorismo at pagpapaigting ng maritime defense and security.

Magugunitang noong nakaraang taon ay sinimulan na ng Manila at Jakarta ang joint patrols sa bahagi ng Celebes Sea bilang bahagi ng pagpapalakas sa border security laban sa mga Islamist militants.

Kaugnay naman sa isyu ng trade, sinabi ni Ambassador Wee, na pinagpaplanuhan na ng 2 bansa na buhayin ang old air route sa pagitan ng Davao at Manado, na kapitolyo ng Indonesia sa North Sulawesi province.

Kung magkakasundo ang dalawang lider posible itong mabuksan sa loob ng taong ito o sa unang bahagi ng 2019.

Maliban kay Widodo nakatakda ding magkaroon ng bilateral meeting si Pangulong Duterte sa iba pang lider ng Asean Countries.