Close

Oklahoma nakapagtala ng bagong kasaysayan matapos makapagpalaya ng higit 450 bilanggo

Sponsor ads


Nakapagpalaya na higit 450 bilanggo ang Oklahoma.

Ang bagong kasaysayan ang itinuturing na ngayon bilang largest single-day commutation sa Estados Unidos.

Emosyonal na sinalubong ng mga napalayang preso ang kanilang mga mahal sa buhay sa ginanap na seremonya.

Napalaya ang mga ito sa tulong ng pagsasabatas ng pinadaling proseso sa pagreview ng mga kaso ng bilanggo.

Ayon kay Pardon and Parole Board executive director Steven Bickley, 814 bilanggo ang nasalang sa pagsusuri, 527 naman rito ang nairekomenda ngunit 462 lamang ang nakalaya.