Close

Oil price rollback umarangkada na

Sponsor ads


May tapyas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

May pisong rollback sa kada litro ng gasolina, P1.55 sa kada litro ng diesel at P1.45 centavos sa kada litro ng kerosene.

Epektibo alas 6:00 ng umaga ngayong Martes ang rollback ng mga kumpanyang Petron, Shell, Flying V, Sea Oil, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, PTT, Unioil at Total.

Nauna nang magpatupad ng rollback ang Chevron alas 12:01 ng madaling araw.

Habang alas 8:01 ng umaga naman epektibo ang rollback ng Cleanfuel.