Close

Oil price rollback, asahan ngayong linggo

Asahan na ngayong linggo ang panibagong rollback sa presyo ng produktong petrolyo na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis.

Posibleng bumaba hanggang sa 75 sentimos ang kada litro sa presyo ng gasolina.

Aabot naman sa 10 sentimos ang matatapyas sa kada litro ng diesel habang 20 sentimos naman sa kerosene.

Nauna nang inanunsyo ng Department of Energy na patuloy pa ang pagbaba ng presyo ng ilang oil products sa pandaigdigang merkado.

Mababatid na ito ang ikatlong linggo na ipatutupad ang oil price rollback. |Jasmine Cruz