Close

Oil price hike, ipinatupad ngayong araw

Muling nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis ngayong Martes.

Kaninang alas-12 ng hatinggabi ay nagpatupad na ng dadag-singil ang Flying V na P1.30 sa diesel, 45 sentimos naman sa gasolina at 90 sentimos naman kada litro ang umento sa kerosene.

Susundan naman ito ng Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines at Eastern Petroleum na magiging epektibo mamayang alas-6:00 ng umaga.

Ang oil price adjustments ay epekto pa rin ng oil trading sa pandaigdigang merkado. |Jasmine Cruz