Close

Oil price hike, epektibo na ngayong araw

Sponsor ads


Asahan na magiging epektibo na ang big time oil price hike ngayong araw.

Ito ay kahit nagbababaan na ang mga presyo ng langis sa world market.

Base sa advisories ng ilang oil companies, magtataas sa P1.20 kada litro ang presyo ng diesel; P1.10 naman ang idadagdag sa kada litro ng gasolina; at sisipa naman sa 95-centavos kada litro ang presyo ng kerosene.

Mamayang alas-sais ay epektibo na ang mga pagbabago sa Flying V, Shell, PTT Philippines, Caltex, at Seaoil habang inaasahan naman na susunod sa ibang oras ang iba pang kumpanya ng langis.

Ayon sa Department of Energy, nakaapekto sa presyo ng produktong petrolyo ang paggalaw ng presyo nito sa world market at dahil na rin sa pagpalo ng halaga ng piso kontra dolyar sa mahigit P52

Matatandaan na mahigit piso rin ang itinaas ng presyo ng langis noong March 27 at April 3.

Mababatid na simula noong unang araw ng 2018 ay umabot na sa P9.19 ang itinaas sa kada litro ng diesel; P8.15 naman ang dinagdag sa kada litro ng gasolina at P10.25 naman ang itinaas sa presyo ng kerosene.