Close

Oil price hike, epektibo na bukas

Sponsor ads


Epektibo na bukas ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sispa ng 90-centavos ang kada litro ng gasolina habang 55-centavos naman ang kada litro ng diesel.

Lolobo naman ng 85-centavos ang kada litro ng kerosene.

Ipapatupad ng mga kumpanyang Shell, Seaoil, Phoenix, Petro Gazz, at PTT ang mga nasabing pagbabago ng alas-sais ng umaga.

Ang Caltex naman ay mauunang magtaas ng presyo bukas ng 12:01 a.m.

Mababatid na ito na ang ikalimang beses na tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong taon.