Close

Oil Price hike

Sponsor ads


Asahan nang tataas ngayong linggo ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa advisory ng kumpanyang Shell ay sinabi nito na sisipa ang presyo ng gasolina ng 30-centavos kada litro, aakyat naman ang presyo ng kerosene ng 65-centavos kada litro habang ang presyo ng kerosene ay magkakaroon ng 50-centavos kada litro na pagtaas.

Sinabi rin ng Petro Gazz na mag-i-implementa ito ng mga kaparehong adjustments, maliban sa kerosene na hindi kasama sa mga produktong inaalok nito.

Inaasahan na magiging epektibo ang mga nasabing pagbabago sa Martes (December 3).

Base sa datos mula sa Department of Energy, ay aabot na ang kabuoang halaga ng pagtaas ngayong taon sa P5.89 kada litro sa gasolina, P3.52 sa diesel, at 75-centavos para sa kerosene.