Close

Oil Price Hike

Sponsor ads


Asahan nang sisipa ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.

Madadagdagan ng P1.05 ang presyo ng kada litro ng gasolina, habang 75-centavos ang kada litro ng diesel.

Mamayang alas-sais ng umaga ay ipatutupad na ng SEAOIL, PTT Philippines, Flying V, Unioil, at Jetti Pump ang taas presyo sa mga nasabing produkto.

Magkakaroon naman ng 60-centavos na dagdag sa presyo ng kerosene ng SEAOIL, at Flying V na mamayang alas-sais din magiging epektibo.

Nauna na ang Caltex sa pagpapatupad ng mga nasabing pagbabago sa presyo ng gasolina, diesel, at kerosene kaninang alas-dose ng madaling araw.