Close

Ogie Diaz: '5 anak, ginawa namin nang hindi ako lasing'

Sponsor ads


Binasag ng talent manager at komedyante na si Ogie Diaz ang kanyang katahimikan matapos siyang magamit bilang halimbawa sa isang kontrobersyal na pahayag na may kinalaman sa mga bading na nagiging straight sa tuwing nalalasing.

Ang nasabing pahayag ay nabanggit ni Makati PNP chief Harold Depositar sa isang panayam nang mabanggit ang kasarian ng mga suspek sa kaso ng pagkamatay ni Christina Dacera.

Kinwestyon ni Diaz kung bakit siya ang ginagamit na sampol sa kasabihan na pag ang bakla ay nakainom ay nagiging lalaki din.

Sinabi ni Diaz na kung misis niya ang tatanungin ay hindi siya umiinom ng alak, at nagawa nila ang lima nilang anak nang hindi siya lasing.

Ipinunto naman ni Diaz na bumabagsak na ang morale ng kapulisan dahil sa mga maling opinyon at baluktot na katapangan ng ilan.

Naniniwala rin si Diaz na dapat ay magsimula ang pagbabago sa hanay ng kapulisan upang maibalik ang dignidad at integridad ng mga ito.