Close

Off-duty na mga pulis, hindi bibigyan ng gun ban exemptions - Comelec

Sponsor ads


Nilinaw ng Commission on Elections na hindi exempted sa nationwide gun ban ang mga miyembro ng Philippine National Police na hindi naka-duty.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, hindi pwedeng magdala ng baril ang mga off-duty na pulis hangga't wala silang nakukuha na exemption galing sa poll body.

Ipinaalala ni Guanzon na sa araw ng eleksyon ay bawal magdala ng baril ang mga pulis sa loob ng presinto kung hindi sila naka-uniporme o naka-assign doon.

Hiniling naman ng Comelec kay PNP chief Director General Oscar Albayalde ng pagdidisiplina at pagpapaalala sa mga tauhan nito sa pambansang pulisya.