Close

OVP team, binawalang pumasok sa Bora

Sponsor ads


Umaasa si Vice President Leni Robredo na makakapasok na ang team ng Office of the Vice President sa Boracay ngayong pormal na itong binuksan para sa publiko.

Kwento ni Robredo, napigilan kasi ang kanyang grupo na makapasok sa isla sa kasagsagan ng rehabilitasyon nito.

Nakatakda sana umano kasing makipagkita ang OVP sa mga residente ng Boracay upang alamin kung ano ang maaari nilang itulong sa mga ito.

Mababatid na isinara ang Boracay ng anim na buwan para isailalim ito sa rehabilitasyon kung saan pansamantala ring pinagbawalan ang mga hindi residente ng isla na pumasok rito.