Close

OP contingency fund, pinagagamit vs ASF

Sponsor ads


Pinahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapagamit ng contingency fund ng opisina nito sa Department of Agriculture para makontrol ang pagkalat ng African swine fever sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na gagamitin ang pondo para tulungan ang hog raisers at para sa pagkakaroon ng cold storage areas na makakatulong sa 100% monitoring ng mga pumapasok na meat products sa mga pantalan ng Manila, Subic, Batangas, Cebu at Davao.

Kamakailan ang nagdesisyon ang Pilipinas na i-ban ang pagpasok ng baboy mula sa mga bansa na apektado ng ASF, kabilang na ang China, na sinasabing naging responsable sa pagkalat ng naturang sakit sa bansa.

Dahil sa outbreak ay pumalo na sa P1-Billion ang nalugi sa hog industry habang tinatayang nasa 7,000 na ang pinapatay na baboy upang maiwasan ang pagkalat ng ASF.

Bagama't hindi nakasasama para sa mga tao, ay pwedeng maging sanhi ang ASF ng kamatayan ng mga baboy