Close

ONE Strawweight title, nabawi ni Joshua Pacio ng team Lakay

Sponsor ads


Nabawi ni Joshua "The Passion" Pacio ng Team Lakay ang ONE strawweight championship sa ONE: Roots of Honor matapos niyang pabagsakin ang katunggaling si Yosuke "The Ninja" Saruta.

Sa ikaapat na round ng laban na ginanap sa Mall of Asia Arena ay naikonekta ni Pacio ang kanyang kanang tuhod sa sentido ng ulo ni Saruta.

Nang bumagsak si Saruta ay agad nang pinigilan ng referee ang laban.

Dahil dito ay umangat ang professional record ni Pacio sa 17-3 win loss card habang si Saruta naman ay bumagsak sa 19 wins, 9 losses at 3 draws.

Matatandaan na unang beses nagtapat sina Paacio at Saruta sa Jakarta kung saan ay nakuha ng Japanese fighter ang one strawweight title via split decision.

(Photo via astig.ph)