Close

OFW remittance, tumaas sa unang buwan ng 2019 - BSP

Sponsor ads


Lumago ang Overseas Filipino Workers remittance nitong Enero ng 2019 batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang personal remittances ay tumaas ng 3.4 %.

Mula sa dating $2.66 billion ay umakyat ang ipinapadalang pera ng mga OFWs sa $2.75 bilyon.

Ang mga land-based OFWs ay nakapagtala ng 2.3% o $2.12 bilyong remittance mula sa $2.07 bilyon.

Tumaas naman ng 12.6% ang remittance ng mga sea-based OFWs na may kontratang wala pang isang taon.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, naitala ang pinaka-mataas na sa share sa Estados Unidos, sumunod naman rito ang Saudi Arabia, Singapore, United Kingdom, United Arab Emirates, Japan, Canada, Qatar, Hong Kong, at Kuwait.