Close

OFW na inabuso ng amo sa Saudi, bumubuti na ang kondisyon

Sponsor ads


Bumubuti na ang kalagayan ng Pinay domestic helper na nasa ospital ngayon matapos na sapilitan syang palagukin ng bleach ng kanyang amo sa Saudi Arabia.

Ito ang kinumpirma ni Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate General sa Jeddah nang bisitahin nya ang OFW na si Agnes Mancilla sa King Fahd Central Hospital sa Jizan.

Ayon kay Badajos, sa kabila ng kondisyon ni Mancilla, naikwento nito ang pang-aabusong sinapit sa kamay ng kanyang employer na pinwersa syang painumin ng bleach dahil nagkamali sya sa paggawa ng tsaa.

Hindi rin umano pinakain ng kanyang employer si Mancilla maliban sa kape sa loob ng isang buwan at 16 na araw at pinilit dingmagtrabaho mula alas 5 ng umaga hanggang alas 2 ng madaling araw.

Dagdag ni Badajos, napag-alamang ang burn marks sa likod ng OFW ay mga kagat ng kanyang babaeng amo sa tuwing sya ay nagkakamali sa trabaho.

Masaya umano si Mancilla nang bisitahin sya ng Consul General sa ospital.




Image from: Philstar