Close

OCTA, nakita ang upward trend sa COVID-19 cases sa NCR

Sponsor ads


Ibinahagi ng OCTA Research Team na nagbago ang level trend sa Metro Manila sa upward trend matapos magtala ng increase ang ilang local government units sa capital region ng bagong kaso ng COVID-19.

Ayon sa research team, ang average na bilang sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region sa nakalipas na tatlong araw ay nasa 563 per day, at ito ay 45% na mataas kumpara sa mga nakaraang linggo.

Nakasaad dito na batay sa bagong datos mula sa Department of Health, ang calculated reproduction number sa NCR ay tumaas sa Rt = 1.22.

Mababatid na noong nakaraang dalawang linggo, ang reproduction number sa rehiyon ay nasa 1.0.

Ang reproduction number na isa o mataas pa ay indikasyon ng patuloy na transmission ng virus.

Samantala, sinabi naman ng research team na ang positivity rate sa rehiyon ay tumaas ng 5% sa nakalipas na pitong araw, batay sa average ng 16,000 PCR tests daily.