Close

Number coding suspendido

Sponsor ads


Suspendido ang number coding mula bukas Miyerkules Santo hanggang sa Lunes, April 22.

Ito ang inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Karagdagan ito sa otomatikong suspensyon ng number coding sa April 18 at 19 na kapwa idineklarang Regular Holiday.

Paliwanag ng MMDA, bukas inaasahang mas dadagsa ang mga pasahero na uuwi sa kanilang mga lalawigan o aalis para magbakasyon.

Kaya naman pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na planuhin ng maaga ang kanilang pabyahe.

Samantala, ang Makati at Las Piñas ay wala pang anunsiyo kung sila ay mag-sususpinde rin ng number coding.