Close

North Korea may bagong babala sa US

Nagbabala ngayon ang North Korea na magdudulot ng matinding “sakit at paghihirap” sa Estados Unidos kung ipipilit ng Washington ang mabigat na hakbang nito sa UN sa ika-anim na nuclear test ng Pyongyang.

Kasama ang UN security council sa pagtalakay ng panibagong resolusyong inihain ng Washington laban sa North Korea kaugnay sa isinagawang nuclear test ng Pyongyang noong September 3 na ikinabahala ng buong mundo.

Nais ng Washington na pagbotohan sa Security Council ang pagpataw ng parusa sa North Korea sa kabila ng pagtanggi ng Beijing at Moscow sa panibagong hakbang.

Binati naman ng North Korean leader Kim ang nasabing nuclear test at inudyukan ang mga scientist nito na paunlarin at gumawa pa ng maraming armas.

Ayon sa North Korea, kailangan nila ang armas upang protektahan ang kanilang bansa taliwas sa sinabi umano ng Estados Unidos na gusto nito ng gyera. (CNN/BBC) CARLO B. VALERIANO - BNTV